Friday, July 19, 2013

Peer Teaching

Passion for Teaching

     It feels so nice to see myself more relaxed and more confident now in teaching than in my previous methods courses last semester. Because yeah, I have been really into struggle before. Everything in teaching before seems like a “nightmare” for me because I don't know what to do. Sobrang nangangapa-ngapa pa talaga ako dati. Buti na nga lang at by group kami dati – peer teaching kasi kahit papaano, in a way, masasabi kong mayroon akong mga karamay at katuwang sa gagawing preaparation dati. Sa totoo lang, iba kasi iyong approach ng pagtuturo sa UPIS kung aking ihahambing sa makalumang pagtuturo na aking kinagisnan noong ako ay nasa preschool pa kaya siguro hindi ko rin masisi ang aking sarili kung bakit ako nahirapan. Gayunpaman, masaya ako na kahit mahirap iyong proseso ng pagtuturo sa UPIS ay nakaya ko namang mairaos iyong mga microteaching in class at mga demoteaching namin sa UPIS mismo.

     As of now, after having our first wave in microteaching in EDR169 class, of course, I cannot deny the happiness I have not just for myself but also to my groupmates. Kasi hindi naman sana magiging successful iyong aming presentation kung hindi kami nagtulungan. Sa pagpili pa lamang ng storybook na aming gagamitin hanggang sa production ng aming teaching materials, masasabi kong naging maingat at mabusisi ang aming grupo. In fact, during the making of our teaching materials, natuwa sina Grace at Mia nang mapansin naming hindi pala ako nag-iisa sa aming grupo. Maliban sa akin, medyo may pagka-OC din pala itong si Vincent sa buhay. Natuwa nga sina Grace at Mia sa amin ni Vincent sa pagiging sobrang maingat sa pag-cut sa mga cartolina na aming gagamitin kasi talagang sinisigurado naming dalawa na sukat at pantay-pantay ang lahat ng gilid ng aming cartolina. Pero somehow, maganda rin pala na nagkakasama-sama sa isang grupo ang magkakaiba ang personalidad at pananaw sa buhay kasi pagdating sa production of materials, matutuwa ka sa magiging outcome.

    Actually, hindi ko alam kung paano ko nagawang maging kalmado at confident noong part ko na. Ako kasi iyong huli. Sakin napunta iyong end part ng post-reading kung saan naghati kami ni Grace. Sa totoo lang, kinakabahan nga ako bago ako sumalang kasi hindi ako prepared. Pero noong nasa harap na ako, nakakagulat na tila kusa na lamang lumalabas sa aking bibig iyong mga tanong na kailangan kong maipasagot saaking mga kaklase. Syempre, ang sarap sa pakiramdam na mabigyan ka ng compliment ng iyong mentor (Teacher Sab) sa naging performance mo. Sa sandaling iyon, natuwa ako sa sarili ko dahil hindi ko naipahiya iyong aming grupo at higit sa lahat, natuwa ako sa sarili ko sapagkat kinaya kong pigilin iyong “kaba” ko sa dibdib. Sa sandaling iyon, nakaya kong limutin iyong “takot” ko at mas nangibabaw iyong kompiyansa ko sa sarili. Sana nga tuluyan ko nang malabanan iyong “kaba” at “takot” ko sa tuwing magtuturo ako nang sa ganon ay mas nagiging maayos iyong performance ko at hindi nadi-distract sa akin iyong mga nagiging estudyante ko. Bilang estudyante kasi mahahalata mo naman talaga kong handa at alam ba talaga ng Teacher ang kaniyang itinuturo sa kaniyang klase.

     Sa totoo lang, natatakot pa rin talaga ako kasi nasa microteaching palang naman kami. Maaaring dito sa aming microteaching ay maayos pa ako at hindi pa nagkakalat pero paano kung nasa actual teaching na kami sa UPIS. Makakaya ko pa kayang ikubli iyong “kaba” at “takot” ko sa harap ng mga bata? Kakayanin ko nga kaya talaga oras na dumating na iyong kinatatakutan kong sandali ng kursong ito – straight? Iniisip ko nga, sana may kurso sa Educ kung saan tuturuan kang ihanda ang sarili mo sa pagharap sa mga magiging estudyante mo at higit sa lahat, sana may kurso kung saan ituturo ang tamang “classroom management”. Kasi kahit naman anong galing mo as a Teacher at kahit pa anong ganda ng mga teaching materials mo, balewala ang lahat ng iyan kong di mo naman kaya na i-handle ang klase mo.

     Marahil, marami nga siguro ang mababa ang pagtingin sa kursong Education kasi feeling nila, ang propesyong ito ay madali. Tama, kahit sino naman ay pwedeng magturo talaga kung gugustuhin lamang nila subalit ang tanong, lahat ba ng tao ay handa at gusto talagang magturo? Kung tutuusin sa larangan ng pagtuturo, hindi naman dapat ito ang itinatanong natin sa ating sarili, “Kaya ko bang magturo?” kundi ang tanong na, “Gusto ko bang magturo?” Kasi kahit sabihin pa nating kaya ng isang tao at kahit gaano pa siya kagaling magturo, balewala ang lahat ng iyon kung hindi naman niya gusto ang ginagawa niya. Siguro nga, we may have the ability to teach yet the passion for teaching is a different thing. Hindi naaaral ang “passion for teaching”. Kusa itong natututunan oras na gusto mo talaga ang ginagawa mong pagtuturo. Sa totoo lang, mahirap ang magturo lalo na kung hindi mo gusto ang ginagawa mo. Sa ganitong sitwasyon, hindi lamang kasi ang sarili mo ang pinapahirapan mo kundi pati ang iyong mga mag-aaral kasi para ka na ring gumagawa ng sarili niyong “gap”.


     Though I hate to say this, aaminin ko na bago ako pumasok sa Educ, hindi ko alam at hindi ko naman talaga gusto ang gagawin ko – ang magturo. Pero gaya nga ng sabi ko, ang “passion for teaching” ay matututunan oras na na-expose ka na into the field of teaching at sa oras na gusto mo na ang ginagawa mo. Kaya sana nga lang talaga, matutunan ko ring mawaglit iyong “kaba” at “takot” ko sa pagtuturo sapagkat sa tingin ko, iyon na lamang sa ngayon iyong nakikita kong malaking balakid sa aking ginagawang preparasyon sa larangan ng pagtuturo.

Pictures:
                                                    Engagement Activites: Charts




                                                           

                                                         Materials for GOLD



No comments:

Post a Comment