Friday, October 11, 2013

Observations

Learn from the experience of others

Sinisikap ko talagang makapunta sa mga demo ng aking mga kaklase lalo na sa araw ng turo ng aking mga kagrupo. Para sa akin kasi, ang bagay na ito ay pagpapakita na rin ng pagsuporta sa mga kaklase sa gagawin nilang pagtuturo sa araw na iyon. Sa totoo lang, gustong-gusto kong nanonood ng mga nagdi-demo kasi sa panonood sa kanila, nagkakaroon ako ng mga ideya kung paano mapapabuti ang aking pagtuturo.
Gaya noong na-observe ko iyong demo ni Analyn ng TS sa mga Grade I, napamangha ako sa mga worksheet niya. Sa oras na iyon ay talaga namang na-challenge na naman ako. Syempre, bilang guro, masarap sa feeling na nakikita mong masaya ang iyong mga mag-aaral dahil sa iyo. Kaya naman noong demo ko na rin sa TS, sinikap ko talagang makagawa rin ng mga worksheet na hindi lamang basta papel na pasasagutan sa mga bata. Bilang guro, ang dami-dami talagang dapat i-consider sa pagtuturo.


Pagdating naman sa classroom management, gusto iyong style ni Marga. Nahuhuli niya kasi iyong attention pa rin ng mga bata kahit pa hindi gaanong malakas ang boses niya kapag nagtuturo. Sa totoo lang, noon pa man talaga ay manghang-mangha na ako kay Marga kapag nagtuturo kasi parang ang kalma lamang talaga niya though halata sa mga kamay niya na nati-tense din pala siya. At ang nakakatuwa pa sa kanya, palagi pa rin siyang naka-smile kahit pa nahihirapan na siya sa pagkontrol sa klase.

Pictures:
                                                          Grace's Demoteaching - GLRCT

 
                                                      Mia's Demoteaching - GLRCT


                                                      Vincent's Demoteaching - GOLD &TS

                                                       Analyn's Demoteaching - TS

Straight Teaching

CONGRATULATIONS!!!

I didn't expect this to happen! Hanggang ngayon hindi pa rin ako makapaniwala na na-achieve ko na iyong goal ko bilang isang EDR169er – less comments, less revision and UNO for the first draft! Akala ko, hanggang pangarap na lamang iyon pero laking tuwa ko noong nagawa ko. Hindi pala kasi impossible iyon kung gugustuhin mo talaga at kung pagsusumikapan mo. At kahit pa nahirapan man akong simulan ang aking LP, masasabi kong worth it naman iyong effort ko para sa pag-iisip ng matagal para rito. Oo, marahil mabagal nga ako sa paggawa ng mga papers lalo ng LP ko pero ito ay sa kagustuhan kong makagawa ng requirement na hindi lamang basta-basta. Gusto ko sa First Draft pa lamang, ok na iyong LP at konte nalang iyong aayusin.

Habang ginagawa ko dati ang mga materials ko para sa aking straight teaching, halos hindi na ako matulog. Sa kagustuhan kong ma-surprise na naman ang mga bata sa gagawin ko, sarili ko naman ang pinahirapan ko pero syempre, ok lang iyon sa akin. Ako lang mag-isa ang naghanda ng lahat ng aking gagamitin sa straight kaya sobrang hirap pala talaga. Nakakapagod siya pero kung gusto mo iyong ginagawa mo, hindi mo na mararamdaman iyong pagod.

Noong araw na ng straight teaching ko, sobrang nakakagaan sa feeling na ang dami-daming nagpaparating ng kanilang mensahe ng “GOOD LUCK!!” Grabe talaga iyong suporta sa akin ng mga kaklase ko at maging ng aking mga kaklase. Kaya imbis na kabahan ako, inisip ko na lamang na dapat mag-enjoy ako sa gagawin ko. Dapat huwag akong matakot o kaya ay kabahan kasi mahahalata ito ng mga bata. Habang nagtuturo na ako, hindi kaba ang nangingibabaw sa akin kundi iyong excitement na “sa wakas malapit na akong matapos!” Isa pa, unti-unti ko na kasi talagang nagugustuhan iyong ginagawa ko kaya siguro parang naging natural na lamang sa akin iyong ginawa kong straight teaching. Habang tumatagal ay halos nasasanay na ako sa paggamit ng 4-pronged approach in Teaching.

At matapos nga ang aking straight teaching, halos lahat na lamang ng makakita sa akin ay ganito ang bungad, “Congratulations, Cariza!!” Noong mga oras na iyon, halos hindi ko na rin maintindihan ang sarili kong pakiramdam. Halu-halo na kasi talaga! Pero gayunpaman, masaya talaga ako sa aking naging experience sa aking straight teaching! Bukod kasi sa natapos ko na ito, napatunayan ko rin sa sarili ko na kaya ko nga ang magturo!!! Noong araw ng straight ko, feel na feel ko iyong pagiging isang Guro sa araw na iyon!

Isa ang karanasan ko sa straight teaching sa EDR169 sa mga hinding-hindi ko makakalimutan sa aking buhay bilang isang EDUC major. Napaka-EPIC ng araw na iyon para sa akin.  

Pictures:
                                                  During the storytelling of Bruhahaha..Bruhihihi

                                                                     Post Reading
 
                                                Taken while they're answering their worsheets.
                                   
                                              Oral Work - Basic Group
   
                                                 Oral Work: Average Group

                                                          Oral Work: Fast Group

Thursday, October 10, 2013

Group Teaching

I Will Stick On My First Plan
LP Making
It was indeed a challenge for me to stick on my first plan. Yes, I must admit na natagalan talaga akong simulan ang LP ko. Sa hindi ko maipaliwanag na dahilan, nahirapan akong simulan ito. Siguro, dahil na rin sa alam kong sariling LP ko naman iyong gagawin ko kaya tila naging pasaway ako. Naisip ko kasi, on-time o ma-late man ako sa pag-submit parang sa akin ay ok lang kasi alam ko namang walang madadamay na iba kundi iyong grades ko lang. Besides, sanay na rin kasi ako to work under pressure kapag gumagawa ng requirements. Pero syempre, hindi tama yun. As a future Teacher, ang pangit naman kung “crammer” pa rin ako pagdating sa paggawa ko ng mga LP ko.
Though may na-approve nang storybook sakin si Teacher Rica, parang hindi kasi talaga ako na-urge na gawin agad iyong LP ko. Tila na-challenge kasi ako sa comment ng pinsan ko noong nabasa niya yung storybook (Bilog Na Itlog) na gagamitin ko, ang simple daw kasi nung story. Actually, right after nasabi yun ng pinsan ko, napaisip talaga ko. And that time, I dare challenged myself to do something creative with my LP. Gusto ko kasing kahit papaano ay ma-appreciate ng mga magiging estudyante ko (K-Sampaguita) yung story at magagawa ko lang yun kung makakagawa ako ng interesting and engaging activities.
Kung hindi pa nga dahil sa pangungulit ng mga kagrupo at mga kaklase ko, hindi pa siguro ako mapi-pressure para simulan at tapusin yung LP ko. Grabe, ang sarap sa feeling na malamang yung mga classmates mo, concern sa LP mo! Iyong tipong, iti-text ka nila para lang kamustahin iyong LP mo. Sa totoo lang, malaking tulong talaga sakin yung pangangamusta ng mga kaklase ko kasi dun ako na-pressure para gawin at tapusin na iyong LP ko. Well, I really owe them a lot.

LP Revision
Hindi ibig sabihin ng pag-submit ko ng LP ko ay ok na yun. Syempre, kailangan pang i-check at i-approve yun ni Teacher Pam. Noong nasa proseso ako ng first revison ko, doon ko napagtanto sa sarili ko na mas mahirap pala ang LP revision kaysa sa LP making. Hindi kasi ganoon kadali magbago ng isang plano lalo na kung ang daming dapat baguhin. Ang hirap kasing mag-isip, sa totoo lang kaya tuloy nasabi ko sa sarili ko na dapat sa susunod na LP ko, konte nalang ang comments at dapat kong baguhin kapag ibinalik na sa akin ang first draft ko. Kailangan mabawasan yung bilang ng revisions ko, iyong tipong 2 revisions lang pagkatapos iyong pang-second draft ko ay final draft na sana agad.
Pero on the bright side, syempre nakakatuwa din na natututo ako sa bawat comments ni Teacher Pam sa LP ko. Parang dahil sa mga comments niya, doon ako mas na-challenge na mag-isip pa ng higit pa sa tama at dapat.

Materials making
Pagdating sa gawaan ng mga teaching materials, masasabi kong sobrang blessed ako dahil sobrang ang daming willing tumulong sa akin sa paggawa ng mga materials. Nakakatouch nga kasi nagdagsaan sila noong gumagawa ako. Sina Grace, Arra at Nica yong sobrang tumulong talaga sa akin. Alam ni Grace na hirap talaga ako sa pseudo-lamination kaya tinulungan niya ko. Expert kasi siya sa pagsu-pseudo-laminate.
Based on my experience, masasabi ko na ang hirap palang gumawa mag-isa ng mga materials. Ito kasi ang first time ko na halos ako lahat ang gagawa at wala talagang ibang dapat asahan. Pero gaya nga ng sabi sa akin, ganito din naman ang gagawin ko in the future kaya dapat masanay na ako. Mahirap nga talaga ang gumawa ng materials mag-isa pero after all, ang sarap naman sa pakiramdam. Sobrang nakaka-proud sa sarili kasi alam mong ikaw yung gumawa ng lahat.

LP Implementation/Demoteaching
Kahit naman siguro sino, kakabahan talaga. Imagine, half-straight iyong ginawa namin ni Mia pagkatapos, lahat ng mga kaklase namin ay nanonood pa. Pero buti nalang medyo na-overcome ko din naman yung kaba ko nung nasa storytelling part na ako. First time ko mag-storytell, sa totoo lang pero nakakatuwa lang kasi sabi sakin ng mga kaklase ko at ni Teacher Pam, hindi daw halata. Kitang-kita daw na nag-enjoy lang ako sa ginawa ko which is tama naman kasi yun talaga yung ginawa ko. In-enjoy ko yung part na yun. Hindi ako nagpadaig sa kaba ko dahil lang sa first time ko.
Sayang nga lang kasi nabitin yung discussions sa post reading part. Ginahol kasi sa oras kaya napilitan akong mag-skip ng mga GPU questions. Hindi ko tuloy nai-emphasize yung ibang mahahalagang tanong pero at least, natapos ko on-time yung GLR-CT. Hindi na ako nag-extend pa.
Kaya lang pagdating kay Mia, medyo nagkaproblema na kasi kinailangan niyang mag-extend pa ng another meeting para matapos ang TS part. Nahirapan kasi siya sa classroom management part. Hindi na niya nakuha ang attention ng mga bata kasi excited na silang mag-recess. Syempre, ganoon naman talaga pag mga bata. Natakot tuloy ako sa susunod kong demoteaching kasi ako na sa GOLD at TS part.

At ngayong tapos na ako sa first half-straight ko, masaya ako at nakahinga na! Tila nabunutan na ako ng isang tinik. Pero syempre, may mga susunod pa. Hindi pa ito ang katapusan ng lahat kundi simula pa lamang.

Pictures:
Engagement Activities: Charts





                                                 


                                               During my storytelling of Bilog na Itlog


                                                                  
















To Beat My Own Records

Naiinis ako sa sarili ko kasi parang hindi na ako natuto sa nakaraang mga demo ko. Tama sina Grace e,“masyado akong maraming excuses” para hindi magawa ang mga requirements ko. Minsan nga, nahihiya na ako sa kanila kasi sila itong 21 units pero mas stressed akong tingnan sa kanila. Sa totoo lang, naiinggit ako sa kanila kasi ang galing nilang magdala ng kanilang mga problema pagdating sa acads. Pagkatapos, ang bibilis pa nilang gumawa ng mga LPs nila pero mali ang mainggit ako. Hindi tama na mainggit ako, ang mapressure tama pa pero gaya nga sa quote na nabasa ko. You don't need to compete to others. You just need to beat your own records because success is a fight between you and yourself and not with others.Tama, wala naman akong ibang kakompetensiya kundi sarili ko mismo! Kailangan ko lamang nga siguro talaga na i-challenge ang sarili ko na huwag nang maging tamad at kumilos na ng mabilis.

Gayunpaman, aaminin ko na ayoko dati na ako ang mauna sa demoteaching sa UPIS, as in ayoko talaga kahit pa pair naman kami ni Mia. Yung tipong tinatanong ko pa ang sarili ko dati kung bakit nga ba kasi AKO? Dumating na nga rin ako sa puntong sinisi ko pati ang apelyido ko kasi naman, Letter A pa. Pero ngayon, naiintindihan ko na. Tama si Teach Yvette, mas ok nga siguro talaga na nauna kami. Kasi pagkatapos nito, kami naman ni Mia ang mauunang matatapos.

Kaya lang, sobrang nababagalan na rin talaga ako sa sarili ko kung minsan. Halos dalawang araw kong ginawa ang LP ko sa GOLD and TS. Kasi sa totoo lang, hindi ko alam at hindi ko pa gamayn ang gagawin ko. Nangangapa pa rin kasi talaga ko. Ayoko naman na madaliin ang pagsubmit ng LP ko kasi gaya nga ng sabi ko ko noong una, aim ko talaga ay ma-lessen ang comments and revisions ko sa mga susunod na LPs ko. That's why gusto ko this time, maging 1.25 naman ang grade ko sa first draft ko. Masaya na ko kapag nagawa ko nga ito!
Noong araw na ng demo ko, halos hindi ko na maramdaman ang kaba ko. Kasi mas nangibabaw na sa akin iyong kagustuhan ko na mapasaya iyong mga estudyante ko. Pangalawang beses ko na ito na haharap sa kanila kaya naman gusto ko, mas higitan pa iyong saya at tuwa ng mga bata sa gagawin kong pagtuturo sa kanila. Ewan ko ba pero nag-enjoy kasi talaga ako sa ginawa kong pagtuturo sa kanila. Nakakatuwa kasi na reponsive iyong mga bata. Hindi nila ko hinayaan na ako at ako lang ang magsasalita sa harap ng klase. Nakakasagot sila sa mga tanong ko at nakukuha nila ang gusto kong maiparating na karunungan sa kanila. Kaya sobrang achievement na sa akin iyon! Bilang kanilang guro sa araw na iyon, masayang-masaya ako na batid ko na natuto sa akin ang mga bata. Iyong pagod at puyat ko ay napawi lahat nang oras na makita kong nagustuhan ng mga bata iyong mga materials na inihanda ko para sa kanila lalo na noong ilabas ko na ang kanilang mga worksheet. Pinaghirapan ko talaga iyon kasi gusto kong matuwa at ma-enjoy talaga ng mga bata ang kanilang pagsagot sa mga worksheet.

At nang araw na nga na makapag-usap kami ni Teacher Pam tungkol sa kanyang naging assessment sa aking ginawang pagtuturo, nagulat ako! Nagulat ako dahil hindi ko inaasahan na matutuwa at maa-appreciate ni Teach ng ganoon iyong mga worksheet na ginawa ko. Gustong-gusto niya iyong mga mini-booklet na ginawa ko para sa mga bata. Talagang may effort daw! Mangiyak-ngiyak na nga lang talaga ako habang kinakausap niya ko. Natouch kasi talaga ako sa mga sinabi sa akin ni Teacher Pam. Ang sarap kasi pakinggan na pinupuri ka ng Prof/mentor mo sa iyong nagawa. Siguro nga tama rin talaga na nag-TEG ako dahil sa totoo lang, ngayon ko lamang na-realize na ito pala talaga iyong gusto kong gawin sa buhay. Sa loob ng limang semestre na nasa Educ ako, ngayon ko pa lamang talaga nakumbinsi ang sarili ko na “masaya ang magturo” - na ang pagtuturo ay talagang para sa akin!

Pictures:
                                                            During Guided Practice



During Individual Practice


      Taken while they're answering their worksheets
                                                                         



















Friday, July 19, 2013

Peer Teaching

Passion for Teaching

     It feels so nice to see myself more relaxed and more confident now in teaching than in my previous methods courses last semester. Because yeah, I have been really into struggle before. Everything in teaching before seems like a “nightmare” for me because I don't know what to do. Sobrang nangangapa-ngapa pa talaga ako dati. Buti na nga lang at by group kami dati – peer teaching kasi kahit papaano, in a way, masasabi kong mayroon akong mga karamay at katuwang sa gagawing preaparation dati. Sa totoo lang, iba kasi iyong approach ng pagtuturo sa UPIS kung aking ihahambing sa makalumang pagtuturo na aking kinagisnan noong ako ay nasa preschool pa kaya siguro hindi ko rin masisi ang aking sarili kung bakit ako nahirapan. Gayunpaman, masaya ako na kahit mahirap iyong proseso ng pagtuturo sa UPIS ay nakaya ko namang mairaos iyong mga microteaching in class at mga demoteaching namin sa UPIS mismo.

     As of now, after having our first wave in microteaching in EDR169 class, of course, I cannot deny the happiness I have not just for myself but also to my groupmates. Kasi hindi naman sana magiging successful iyong aming presentation kung hindi kami nagtulungan. Sa pagpili pa lamang ng storybook na aming gagamitin hanggang sa production ng aming teaching materials, masasabi kong naging maingat at mabusisi ang aming grupo. In fact, during the making of our teaching materials, natuwa sina Grace at Mia nang mapansin naming hindi pala ako nag-iisa sa aming grupo. Maliban sa akin, medyo may pagka-OC din pala itong si Vincent sa buhay. Natuwa nga sina Grace at Mia sa amin ni Vincent sa pagiging sobrang maingat sa pag-cut sa mga cartolina na aming gagamitin kasi talagang sinisigurado naming dalawa na sukat at pantay-pantay ang lahat ng gilid ng aming cartolina. Pero somehow, maganda rin pala na nagkakasama-sama sa isang grupo ang magkakaiba ang personalidad at pananaw sa buhay kasi pagdating sa production of materials, matutuwa ka sa magiging outcome.

    Actually, hindi ko alam kung paano ko nagawang maging kalmado at confident noong part ko na. Ako kasi iyong huli. Sakin napunta iyong end part ng post-reading kung saan naghati kami ni Grace. Sa totoo lang, kinakabahan nga ako bago ako sumalang kasi hindi ako prepared. Pero noong nasa harap na ako, nakakagulat na tila kusa na lamang lumalabas sa aking bibig iyong mga tanong na kailangan kong maipasagot saaking mga kaklase. Syempre, ang sarap sa pakiramdam na mabigyan ka ng compliment ng iyong mentor (Teacher Sab) sa naging performance mo. Sa sandaling iyon, natuwa ako sa sarili ko dahil hindi ko naipahiya iyong aming grupo at higit sa lahat, natuwa ako sa sarili ko sapagkat kinaya kong pigilin iyong “kaba” ko sa dibdib. Sa sandaling iyon, nakaya kong limutin iyong “takot” ko at mas nangibabaw iyong kompiyansa ko sa sarili. Sana nga tuluyan ko nang malabanan iyong “kaba” at “takot” ko sa tuwing magtuturo ako nang sa ganon ay mas nagiging maayos iyong performance ko at hindi nadi-distract sa akin iyong mga nagiging estudyante ko. Bilang estudyante kasi mahahalata mo naman talaga kong handa at alam ba talaga ng Teacher ang kaniyang itinuturo sa kaniyang klase.

     Sa totoo lang, natatakot pa rin talaga ako kasi nasa microteaching palang naman kami. Maaaring dito sa aming microteaching ay maayos pa ako at hindi pa nagkakalat pero paano kung nasa actual teaching na kami sa UPIS. Makakaya ko pa kayang ikubli iyong “kaba” at “takot” ko sa harap ng mga bata? Kakayanin ko nga kaya talaga oras na dumating na iyong kinatatakutan kong sandali ng kursong ito – straight? Iniisip ko nga, sana may kurso sa Educ kung saan tuturuan kang ihanda ang sarili mo sa pagharap sa mga magiging estudyante mo at higit sa lahat, sana may kurso kung saan ituturo ang tamang “classroom management”. Kasi kahit naman anong galing mo as a Teacher at kahit pa anong ganda ng mga teaching materials mo, balewala ang lahat ng iyan kong di mo naman kaya na i-handle ang klase mo.

     Marahil, marami nga siguro ang mababa ang pagtingin sa kursong Education kasi feeling nila, ang propesyong ito ay madali. Tama, kahit sino naman ay pwedeng magturo talaga kung gugustuhin lamang nila subalit ang tanong, lahat ba ng tao ay handa at gusto talagang magturo? Kung tutuusin sa larangan ng pagtuturo, hindi naman dapat ito ang itinatanong natin sa ating sarili, “Kaya ko bang magturo?” kundi ang tanong na, “Gusto ko bang magturo?” Kasi kahit sabihin pa nating kaya ng isang tao at kahit gaano pa siya kagaling magturo, balewala ang lahat ng iyon kung hindi naman niya gusto ang ginagawa niya. Siguro nga, we may have the ability to teach yet the passion for teaching is a different thing. Hindi naaaral ang “passion for teaching”. Kusa itong natututunan oras na gusto mo talaga ang ginagawa mong pagtuturo. Sa totoo lang, mahirap ang magturo lalo na kung hindi mo gusto ang ginagawa mo. Sa ganitong sitwasyon, hindi lamang kasi ang sarili mo ang pinapahirapan mo kundi pati ang iyong mga mag-aaral kasi para ka na ring gumagawa ng sarili niyong “gap”.


     Though I hate to say this, aaminin ko na bago ako pumasok sa Educ, hindi ko alam at hindi ko naman talaga gusto ang gagawin ko – ang magturo. Pero gaya nga ng sabi ko, ang “passion for teaching” ay matututunan oras na na-expose ka na into the field of teaching at sa oras na gusto mo na ang ginagawa mo. Kaya sana nga lang talaga, matutunan ko ring mawaglit iyong “kaba” at “takot” ko sa pagtuturo sapagkat sa tingin ko, iyon na lamang sa ngayon iyong nakikita kong malaking balakid sa aking ginagawang preparasyon sa larangan ng pagtuturo.

Pictures:
                                                    Engagement Activites: Charts




                                                           

                                                         Materials for GOLD