I Will Stick On My First Plan
LP Making
It was indeed a
challenge for me to stick on my first plan. Yes, I must admit na
natagalan talaga akong simulan ang LP ko. Sa hindi ko maipaliwanag na
dahilan, nahirapan akong simulan ito. Siguro, dahil na rin sa alam
kong sariling LP ko naman iyong gagawin ko kaya tila naging pasaway
ako. Naisip ko kasi, on-time o ma-late man ako sa pag-submit parang
sa akin ay ok lang kasi alam ko namang walang madadamay na iba kundi
iyong grades ko lang. Besides, sanay na rin kasi ako to work under
pressure kapag gumagawa ng requirements. Pero syempre, hindi tama
yun. As a future Teacher, ang pangit naman kung “crammer” pa rin
ako pagdating sa paggawa ko ng mga LP ko.
Though may
na-approve nang storybook sakin si Teacher Rica, parang hindi kasi
talaga ako na-urge na gawin agad iyong LP ko. Tila na-challenge kasi
ako sa comment ng pinsan ko noong nabasa niya yung storybook (Bilog
Na Itlog) na gagamitin ko, ang simple daw kasi nung story. Actually,
right after nasabi yun ng pinsan ko, napaisip talaga ko. And that
time, I dare challenged myself to do something creative with my LP.
Gusto ko kasing kahit papaano ay ma-appreciate ng mga magiging
estudyante ko (K-Sampaguita) yung story at magagawa ko lang yun kung
makakagawa ako ng interesting and engaging activities.
Kung hindi pa nga
dahil sa pangungulit ng mga kagrupo at mga kaklase ko, hindi pa
siguro ako mapi-pressure para simulan at tapusin yung LP ko. Grabe,
ang sarap sa feeling na malamang yung mga classmates mo, concern sa
LP mo! Iyong tipong, iti-text ka nila para lang kamustahin iyong LP
mo. Sa totoo lang, malaking tulong talaga sakin yung pangangamusta ng
mga kaklase ko kasi dun ako na-pressure para gawin at tapusin na
iyong LP ko. Well, I really owe them a lot.
LP Revision
Hindi ibig sabihin ng pag-submit ko ng LP ko ay ok na yun. Syempre,
kailangan pang i-check at i-approve yun ni Teacher Pam. Noong nasa
proseso ako ng first revison ko, doon ko napagtanto sa sarili ko na
mas mahirap pala ang LP revision kaysa sa LP making. Hindi kasi
ganoon kadali magbago ng isang plano lalo na kung ang daming dapat
baguhin. Ang hirap kasing mag-isip, sa totoo lang kaya tuloy nasabi
ko sa sarili ko na dapat sa susunod na LP ko, konte nalang ang
comments at dapat kong baguhin kapag ibinalik na sa akin ang first
draft ko. Kailangan mabawasan yung bilang ng revisions ko, iyong
tipong 2 revisions lang pagkatapos iyong pang-second draft ko ay
final draft na sana agad.
Pero on the bright side, syempre nakakatuwa din na natututo ako sa
bawat comments ni Teacher Pam sa LP ko. Parang dahil sa mga comments
niya, doon ako mas na-challenge na mag-isip pa ng higit pa sa tama at
dapat.
Materials making
Pagdating sa gawaan ng mga teaching materials, masasabi kong sobrang
blessed ako dahil sobrang ang daming willing tumulong sa akin sa
paggawa ng mga materials. Nakakatouch nga kasi nagdagsaan sila noong
gumagawa ako. Sina Grace, Arra at Nica yong sobrang tumulong talaga
sa akin. Alam ni Grace na hirap talaga ako sa pseudo-lamination kaya
tinulungan niya ko. Expert kasi siya sa pagsu-pseudo-laminate.
Based on my experience, masasabi ko na ang hirap palang gumawa
mag-isa ng mga materials. Ito kasi ang first time ko na halos ako
lahat ang gagawa at wala talagang ibang dapat asahan. Pero gaya nga
ng sabi sa akin, ganito din naman ang gagawin ko in the future kaya
dapat masanay na ako. Mahirap nga talaga ang gumawa ng materials
mag-isa pero after all, ang sarap naman sa pakiramdam. Sobrang
nakaka-proud sa sarili kasi alam mong ikaw yung gumawa ng lahat.
LP
Implementation/Demoteaching
Kahit naman siguro sino, kakabahan talaga. Imagine, half-straight
iyong ginawa namin ni Mia pagkatapos, lahat ng mga kaklase namin ay
nanonood pa. Pero buti nalang medyo na-overcome ko din naman yung
kaba ko nung nasa storytelling part na ako. First time ko
mag-storytell, sa totoo lang pero nakakatuwa lang kasi sabi sakin ng
mga kaklase ko at ni Teacher Pam, hindi daw halata. Kitang-kita daw
na nag-enjoy lang ako sa ginawa ko which is tama naman kasi yun
talaga yung ginawa ko. In-enjoy ko yung part na yun. Hindi ako
nagpadaig sa kaba ko dahil lang sa first time ko.
Sayang nga lang kasi nabitin yung discussions sa post reading part.
Ginahol kasi sa oras kaya napilitan akong mag-skip ng mga GPU
questions. Hindi ko tuloy nai-emphasize yung ibang mahahalagang
tanong pero at least, natapos ko on-time yung GLR-CT. Hindi na ako
nag-extend pa.
Kaya lang pagdating kay Mia, medyo nagkaproblema na kasi kinailangan
niyang mag-extend pa ng another meeting para matapos ang TS part.
Nahirapan kasi siya sa classroom management part. Hindi na niya
nakuha ang attention ng mga bata kasi excited na silang mag-recess.
Syempre, ganoon naman talaga pag mga bata. Natakot tuloy ako sa
susunod kong demoteaching kasi ako na sa GOLD at TS part.
At ngayong tapos na ako sa first half-straight ko, masaya ako at
nakahinga na! Tila nabunutan na ako ng isang tinik. Pero syempre, may
mga susunod pa. Hindi pa ito ang katapusan ng lahat kundi simula pa
lamang.
Pictures:
Engagement Activities: Charts
During my storytelling of Bilog na Itlog
To Beat My Own Records
Naiinis ako sa sarili ko
kasi parang hindi na ako natuto sa nakaraang mga demo ko. Tama sina
Grace e,“masyado akong maraming excuses” para hindi magawa ang
mga requirements ko. Minsan nga, nahihiya na ako sa kanila kasi sila
itong 21 units pero mas stressed akong tingnan sa kanila. Sa totoo
lang, naiinggit ako sa kanila kasi ang galing nilang magdala ng
kanilang mga problema pagdating sa acads. Pagkatapos, ang bibilis pa
nilang gumawa ng mga LPs nila pero mali ang mainggit ako. Hindi tama
na mainggit ako, ang mapressure tama pa pero gaya nga sa quote na
nabasa ko. “You don't need to compete to others.
You just need to beat your own records
because success is a fight between you
and yourself and not with others.”
Tama, wala naman akong ibang
kakompetensiya kundi sarili ko mismo! Kailangan
ko lamang nga siguro talaga na i-challenge ang sarili ko na huwag
nang maging tamad at kumilos na ng mabilis.
Gayunpaman, aaminin ko na ayoko dati
na ako ang mauna sa demoteaching sa UPIS, as in ayoko talaga kahit pa
pair naman kami ni Mia. Yung tipong tinatanong ko pa ang sarili ko
dati kung bakit nga ba kasi AKO? Dumating na nga rin ako sa puntong
sinisi ko pati ang apelyido ko kasi naman, Letter A pa. Pero ngayon,
naiintindihan ko na. Tama si Teach Yvette, mas ok nga siguro talaga
na nauna kami. Kasi pagkatapos nito, kami naman ni Mia ang mauunang
matatapos.
Kaya
lang, sobrang nababagalan na rin talaga ako sa sarili ko kung minsan.
Halos dalawang araw kong ginawa ang LP ko sa GOLD and TS. Kasi
sa totoo lang, hindi ko alam at hindi ko pa gamayn ang gagawin ko.
Nangangapa pa rin kasi talaga ko. Ayoko naman na madaliin ang
pagsubmit ng LP ko kasi gaya nga ng sabi ko ko noong una, aim ko
talaga ay ma-lessen ang comments and revisions ko sa mga susunod na
LPs ko. That's why gusto ko this time, maging 1.25 naman ang grade ko
sa first draft ko. Masaya na ko kapag nagawa ko nga ito!
Noong
araw na ng demo ko, halos hindi ko na maramdaman ang kaba ko. Kasi
mas nangibabaw na sa akin iyong kagustuhan ko na mapasaya iyong mga
estudyante ko. Pangalawang beses ko na ito na haharap sa kanila kaya
naman gusto ko, mas higitan pa iyong saya at tuwa ng mga bata sa
gagawin kong pagtuturo sa kanila. Ewan ko ba pero nag-enjoy kasi
talaga ako sa ginawa kong pagtuturo sa kanila. Nakakatuwa kasi na
reponsive iyong mga bata. Hindi nila ko hinayaan na ako at ako lang
ang magsasalita sa harap ng klase. Nakakasagot sila sa mga tanong ko
at nakukuha nila ang gusto kong maiparating na karunungan sa kanila.
Kaya sobrang achievement na
sa akin iyon! Bilang kanilang guro sa araw na iyon, masayang-masaya
ako na batid ko na natuto sa akin ang mga bata. Iyong pagod at puyat
ko ay napawi lahat nang oras na makita kong nagustuhan ng mga bata
iyong mga materials na inihanda ko para sa kanila lalo na noong
ilabas ko na ang kanilang mga worksheet. Pinaghirapan ko talaga iyon
kasi gusto kong matuwa at ma-enjoy talaga ng mga bata ang kanilang
pagsagot sa mga worksheet.
At
nang araw na nga na makapag-usap kami ni Teacher Pam tungkol sa
kanyang naging assessment sa aking ginawang pagtuturo, nagulat ako!
Nagulat ako dahil hindi ko inaasahan na matutuwa at maa-appreciate
ni Teach ng ganoon iyong mga worksheet na ginawa ko. Gustong-gusto
niya iyong mga mini-booklet na ginawa ko para sa mga bata. Talagang
may effort daw! Mangiyak-ngiyak na nga lang talaga ako habang
kinakausap niya ko. Natouch
kasi talaga ako sa mga sinabi sa akin ni Teacher Pam. Ang sarap kasi
pakinggan na pinupuri ka ng Prof/mentor mo sa iyong nagawa. Siguro
nga tama rin talaga na nag-TEG ako dahil sa totoo lang, ngayon ko
lamang na-realize na ito pala talaga iyong gusto kong gawin sa buhay.
Sa loob ng limang semestre na nasa Educ ako, ngayon ko pa lamang
talaga nakumbinsi ang sarili ko na “masaya ang magturo” - na ang
pagtuturo ay talagang para sa akin!
Pictures:
During Guided Practice
During Individual Practice
Taken while they're answering their worksheets